Search This Blog

Friday, August 5, 2011

why do you like to be others?

"sana ako din!"
"sana katulad niya ako!"
"sana ganun din ako"

"WHY DO YOU LIKE TO BE OTHERS?"
Marami sa atin ang ganito, lagi natin iniisip kapag nakakakita tayo ng magagaling na tao na sana ganun din tayo, pero natanong mo na ba sa sarili mo "ano yung magagawa ko para mapakita sa iba ang kakayanan ko?", may ginagawa ka nga ba? pero bakit natin gusto maging katulad ng iba? Minsan naman kaya natin gawin pero bakit hindi natin gawin? kasi natatakot tayo sa failure or baka mapahiya tayo pag nagkamali? lahat naman tayo nagkakamali, wala pa din naman tao na naging successful na hindi naging failure at once.Anong gusto natin? instant pa din? Paano tayo matututo kung hindi natin pagaaralan at pagtyatyagaan diba. Lahat tayo may kanya kanyang personality and abilities, walang tao na hindi talented, meron lang talagang extra talented, pero lahat tayo may talent, yung iba sinasabing wala kasi siguro hindi pa din nila nakikilala sarili nila or maybe they are afraid to develop it. Bakit ba tayo matatakot? Wala naman masama kung paminsan minsan maramdaman natin yung mag failed, hindi pwedeng laging panalo, paano mo masasabing successful ka kung hindi mo naman naranasan maging failed diba. Madaming hindrance para maging successful tayo pero ang sarap sa pakiramdam kapag unti-unti natin nalalampasan itong mga ito. Basta wag kang susuko, "You have to sacrice to feel the victory".
I want to share this commercial, this is one of the best pantene commercial i've ever watched. Wanna know why? Watch this :)
 
-Thai TV commercial. Storied about a deaf and mute girl who learns to play the violin against all odds. The deaf girl play Pachelbel’s Canon in D Major song. This TV commercial for Pantene Chrysalis shampoo is very inspiring. The spot won a silver world medal for short film at the New York Festival (NYF) in February 2009.

-Now, i hope you know why i love this commercial. It is so inspiring. A touching commercial! Matuto tayo magtiwala sa kakayanan natin, basta mahal mo ang ginagawa mo magiging masaya ka. Follow you heart, kung yun ang makakapagpasaya sayo why not diba? bakit hindi mo subukan? wag kang matakot, just close your eyes and you will see. Lahat tayo may purpose bakit tayo nandito sa mundo ngayon. Patunayan mo na kaya mo magtagumapay at abutin ang mga pangarap mo. Hindi mo kaylangan maging katulad ng iba, your persoality makes you "YOU.

"why am i different from others?"
"why? do you like to be others?"
 YOU CAN SHINE!